Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang paglapag ng isang United States Military Aircraft na namataan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) complex.
Ayon kay DFA Spokesperson, Ambassador Teresita Daza, may inilabas na Diplomatic clearance para paglapag ng naturang eroplano.
May kaugnayan aniya ito sa umiiral na Bilateral Defense Cooperation Activity.
Gayunman, nilinaw ni Daza na walang kinalaman ang pagdating ng US Military Aircraft na ito sa lumutang na balita hinggil sa pagkakanlong ng mga Afgan national na nagtatrabaho sa Amerika.
Kasalukuyan aniyang nasa estado ng pag-uusap ng nasabing isyu.
Kasunod nito, tumanggi namang magbigay ng anumang komento ang Philippine Air Force hinggil sa misyon ng nasabing Military aricraft ng Amerika.| ula ni Jaymark Dagala