Nakatakdang dumalo si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa 5th Meeting ng Philippines-India Joint Commission on Bilateral Cooperation sa New Delhi, India, sa imbitasyon ng kanyang counterpart sa June 29.
Pangungunahan ni Secretary Manalo ang delegasyon kasama ang mga opisyal mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Finance (DOF), Philippine Space Agency, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at ang Philippine Overseas Construction Board ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ang Philippines-India JCBC ay isang ministerial-level platform na isinasagawa tuwing dalawang taon upang suriin ang bilateral relations at tsart ng mga areas of cooperation sa pagitan ng dalawang bansa para sa mga susunod na taon.
Bago nito, dadalo si Manalo sa 42nd Sapru Lecture na inorganisa ng Indian Council of World Affairs (ICWA) at Foreign Service Institute ng Pilipinas. Makikipag-ugnayan din siya sa Observer Research Foundation, pati na rin sa mga honorary consular officials ng Pilipinas sa India at Nepal at mga pinuno ng Filipino community sa kanyang pagbisita. | ulat ni Gab Humilde Villegas