Digitalization sa industriya ng turismo, isinusulong ng DOT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Tourism (DOT) na walang maiiwan sa kanilang hangaring ma-digitalize na ang buong industriya ng turismo sa bansa

Ito ang inihayag ni Tourism Sec. Ma. Christina Frasco makaraang pulungin nito ang iba’t ibang stakeholder tulad ng mga kinatawan ng hotel, tour operator at tourist transport provider.

Tinalakay sa pagpupulong ang kanilang assessment sa isinagawang Grab Tours Project na isinagawa mula Hunyo 6 hanggang 12.

Layon nito na maihatid ng Grab ang kanilang mabilis na serbisyo sa sektor ng turismo sa pamamagitan ng pagbibigay ng all-in-one technology platform.

Ibig sabihin, maliban sa mobility, food deliveries at financial services, ikinakasa na rin ang pagsama ng tour packages sa serbisyo nito

Giit ni Frasco, naka-angkla ito sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-digitalize ang mga transaksyon sa pamahalaan salig sa itinakda ng ease of doing business law. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us