Diskwento Caravan, isusulong ng DTI bilang tulong sa mga bakwit ng Albay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsasagawa na ng assessment sa mga evacuation centers ang mga kawani ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 5 para matukoy kung anong mga pangunahing pangangailangan ang maaaring isama sa ilulunsad na Diskwento Caravan.

Ang caravan ay gagawin kaakibat ng programang Kadiwa ng Department of Agriculture. Ayon kay DTI region 5 officer in charge (OIC) Regional Director Dindo Nabol layunin nito ay matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga bakwit at ng pamayanan kung saan matatagpuan ang evacuation centers.

Sa kasalukuyan ay pina plantsa pa nila ang mga detalye ng gagawing caravan. Tantya ni Director Nabol na matatapos nila ang assessment ngayong linggo. Nais nila matiyak na sakto ang mga iaalok ng paninda sa kailangan ng mga evacuee at kahit papaano ay kikita din ang mga lalahok na negosyante sa caravan.

Samantala, umiiral pa din ang price freeze sa buong probinsya ng Albay simula ng magdeklara ng state of calamity noong June 9.| ulat ni Twinkle Neptuno| RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us