Distribusyon ng one-time rice assistance sa mga guro, minamadali nang tapusin ng NFA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tina-target ng National Food Authority (NFA) na makumpleto na ang distribusyon nito ng One-Time Rice Assistance (OTRA) para sa mga guro bago matapos ang buwan ng Hunyo.

Tugon ito ng NFA sa hiling ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na maibiay na ang kabuuan ng rice assistance para sa mga guro sa National Capital Region (NCR) bago matapos ang klase sa July 7.

Sa isinagawang dayalogo sa pagitan ng NFA at ACT Party-list kamakailan ay siniguro rin ni NFA Assistant Administrator for Operations John Robert Hermano na may sinusunod na protocols ang ahensya sa pag-iisyu ng rice assistance kabilang na ang mahigpit na quality assurance sa mga ipinamamahaging bigas.

Dagdag pa nito, lahat ng mga NFA rice ay binibili mula sa mga magsasaka, nasa magandang kalidad at ligtas para sa human consumption.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us