DMW, nakapagtala ng nasa 3,000 job aspirants sa kauna-unahang Seafarers Job Fair kahapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 3,000 seafarer aspirants ang lumahok sa isinagawang kauna-unang Seafarers Job Fair ng Department of Migrant Workers (DMW) kahapon.

Ayon kay DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac, ito’y matapos mag-alok ang naturang tanggapan ng nasa 1,500 na job offers na inilunsad ng DMW nitong Miyerkules.

Dagdag pa ni Cacdac na ito’y upang maipakita ang pagsuporta ng kagawaran sa mga seafarers na pangangailangan ng ibang mga bansa ng ating mga marino dahil sa angking kasipagan ng ating mga Pinoy seafarers.

Muli namang pinaalalahanan ni Cacdac ang publiko na mag-apply lamang sa mga lehitimong recruitment agencies upang hindi maloko ang mga ito.

Pumunta lamang sa website ng DMW sa dmw.gov.ph upang malaman ang mga lehitimong mga recruitment agencies. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us