DMW, tatalakayin ang paglilipat ng Assistance to Nationals functions ng DFA sa isang pulong balitaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasa ng pulong balitaan ang Department of Migrant Workers (DMW) upang talakayin ang gagawing paglilipat ng Assistance to Nationals function ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa DMW.

Ang Assistance to Nationals section ng DFA ay rumeresponde sa agarang mga pangangailangan ng mga overseas Filipino worker (OFW) gaya ng mga distressed na OFW, kailangang ilikas o biktima ng human trafficking at iba pa.

Pangungunahan ni Migrant Workers Undersecretary Hans Leo Cacdac ang virtual press briefing bukas ng umaga.

Kabilang din sa pag-uusapan ang paggamit ng Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFW na Nangangailan (AKSYON) Fund.

Sa ilalim kasi ng batas, ang lahat pagbibigay ng tulong na may kinalaman sa mga OFW gaya ng legal o medical assistance, repatriation, at iba pa ay tungkulin ng DMW.

Batay naman sa abiso ng DFA, simula sa July 1 ang DMW na gaganap sa Assistance to Nationals functions nito.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us