DOH-CALABARZON, nagsagawa ng field assessment sa ilang bayan sa Batangas para alamin ang epekto ng volcanic smog

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-ikot ang mga kawani ng Department of Health CALABARZON sa Agoncillo at Laurel Batangas para magsagawa ng field assessment sa epekto ng volcanic smog mula sa bulkang Taal.

Ayon kay Maria Theresa Escolano, Development Management Officer ng DOH-CALABARZON, noon pang May 24 ay naiulat ang pagtaas ng sulfur dioxide mula sa bulkan.

Aniya, may ilang residente na napaulat na nakakaranas ng pagkapos ng hininga, pangangati ng lalamunan, at skin irritation na pinaniniwalaang nagmula sa fog.

Sa kabila nito, sinabi niyang posibleng dulot ng pabago-bagong panahon ang mga naranasan na komplikasyon.

Sa kanilang assessment sa mga barangay ng Banyaga at Bilibinwang kung saan napaulat ang mga sintomas, naobserbahan nilang hindi na ito nararamdaman ng mga residente.

Dagdag ni Escolano, layunin ng assessment na alamin kung may pangangailangan sa mga gamot at medical services ang mga apektadong bayan.

Aabot sa higit 200,000 na halaga ng medical supplies ang ibinigay ng DOH-CALABARZON sa Agoncillo LGU. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us