Nagpaalala ang Department of Health sa publiko partikular sa mga residente na malapit sa bulkang Mayon para maingatan ang kanilang kalusugan lalo’t nakataas na sa alert level 3 ang naturang bulkan.
Ayon sa DOH, iwasang lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan at palaging magsuot ng face mask.
Dapat ding iwasan ayon sa ahensya na magbukas ng pintuan at bintana.
Maghanda din anila ng “Go Bag” na naglalaman ng sapat na tubig, pagkain, damit, first aid kit at gamot in case of emergency.
Para naman makasiguro na ligtas ang pagkain, hugasang mabuti ang kamay bago magluto at kumain, banlawan ng umaagos na tubig ang mga gulay at prutas, takpang mabuti ang mga lalagyan ng tubig.
Para maprotektahan ang mata, magsuot ng goggles, iwasan din munang gumamit ng contact lense at gumamit nalang muna ng salamin.
Kung nasa lugar na apektado ng ash fall. iwasan ring kamutin o kuskusin ang mata at kung mairita ay banlawan ito gamit ang umaagos at maligamgam na tubig. | ulat ni Lorenz Tanjoco