Muling iginiit ng Department of Transportation (DOTr) na transparent ang kanilang isinagawang bidding sa pag-procure ng license cards sa ating bansa.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Administration and Finance Kim de Leon na sinunod ng kanilang kagawaran ang nakapaloob sa pagpili nito sa Banner Plasticard, Inc. na siyang nakakuha ng kontrata sa pagpo-produce ng mga plastic cards para sa drivers license cards sa bansa.
Dagdag pa ni De Leon na nakatakdang dumating sa susunod na dalawang buwan ang nasa isang milyong license cards na gagamitin sa mga bago at nag-renew ng kanilang lisensya ngayong taon.
Matatandaang nasa halos 690,000 na license backlog ang naitala ng Land Transportation Office (LTO) nitong nakaraang buwan ng Hunyo. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio