DOTr, nagbabala sa publiko vs. Nagpapanggap na nagpoproseso ng PETC at PMVIC ng mga sasakyan

Facebook
Twitter
LinkedIn

๐ƒ๐Ž๐“๐ซ, ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐€ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž ๐•๐’. ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐€ ๐๐€๐†๐๐Ž๐๐‘๐Ž๐’๐„๐’๐Ž ๐๐† ๐๐„๐“๐‚ ๐€๐“ ๐๐Œ๐•๐ˆ๐‚ ๐ƒ๐Ž๐‚๐”๐Œ๐„๐๐“๐’ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐

Muling nagpaalala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga magpaparehistro ng kanilang mga sasakyan sa mga nagpapanggap at nagpapakilalang miyembro ng Authorization Committee na nagpoproseso ng Private Emission Testing Center (PETC) at Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) sa pagpaparehistro ng sasakyan.

Ito’y base sa inilabas na advisory ng DOTr hinggil sa kanilang natanggap na impormasyon na may mga nagpapakilala na miyembro ng Authorization Committe ng mga nasabing Private Inspection Centers.

Ayon sa DOTr ilegal ang naturang pakikipagtransaksyon sa mga naturang indibidwal o grupo.

Ipagbigay alam sa kanilang tanggapan ang sinumang nagpapakilala o nagpapanggap na grupo o indibidwal na nag-aalok ng anumang pagpoproseso ng renewal application at pag-aayos ng suspensyon ng inyong sasakyan. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us