Drug cleared barangay sa Talipao, Sulu, umabot na sa 39

Facebook
Twitter
LinkedIn

13 barangay na lamang ang nalalabi bago tuluyang maideklarang drug cleared municipality ang bayan ng Talipao, Sulu.

Ito’y matapos maideklarang drug cleared barangay ang nasa 39 sa loob ng 52 kabuuang barangay sa naturang bayan.

Sa ngayon, ayon kay PLt. Prister Medrano, Officer In-Charge ng Talipao Municipal Police Station, pinagsusumikapan nilang maideklarang drug cleared ang may 13 pang barangay sa naturang bayan.

Handa na ani Medrano ang mga folder at nakapagsagawa na rin sila ng pagbisita sa tatlong barangay at iba pang proseso kaugnay sa drug clearing.

Naging posible ito sa tulong ng lokal na pamahalaan sa municipal at barangay level, mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno, Philippine Drug Enforcement Agency at iba pa. | ulat ni Fatma Jinno | RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us