Drug den sa Bansalan,Davao del Sur,binuwag ng PDEA at PNP, 5 arestado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang isang drug den sa Barangay Poblacion Uno, Bansalan, Davao del Sur.

Lima katao kabilang ang maintainer ng dug den ang naaresto sa ginawang pagsalakay.

Kinilala ang drug den maintainer na si Rixon Rey Balbutin alyas Boss, at apat pang drug personality na sina Dexter Alberca, Dennis Neri, Rey Pabica at Shiela Mae Esposo.

Naabutan sila ng mga awtoridad habang nagsasagawa ng shabu session sa drug den.

Abot sa P115,600 ang halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad bukod pa sa iba’t ibang drug paraphernalia.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa limang drug personality dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 na mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us