Napanatili ng Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD) ang pagiging “drug free” facility sa National Capital Region.
Sa isinagawang random drug tests ngayong buwan, hindi nakitaang gumamit ng bawal na gamot ang mga jail personnel at Persons Deprived of Liberty.
May 205 tauhan ng BJMP at 790 Persons Deprived of Liberty ang nag negatibo sa Methamphetamine at Cannabis.
Ang random drug testing ay inisyatiba ni QCJMD Warden Jail Superintendent Michelle Ng Bonto at Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC).
Bahagi ito ng matibay na pangako ng QCJMD sa BIDA (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan) Program, isang drug reduction campaign ng Department of the Interior and Local Government.
Una nang iniutos ni DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang regular na random drug tests sa mga jail facility ng BJMP para malaman kung may nakakapasok na iligal na droga sa mga piitan. | ulat ni Rey Ferrer
📷: BJMP QC Jail