DSWD, magdaragdag ng satellite office sa Eastern Metro Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plano ng Department of Social Welfare and Development na magdagdag pa ng mga satellite office para mas mailapit sa publiko ang serbisyo kabilang ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Ayon sa DSWD, kasama sa tinatarget nitong buksan ang satellite office sa Pasig at Rodriguez, Rizal para sa mga residente ng eastern part ng Metro Manila.

Kaugnay nito, patuloy na hinikayat ng DSWD ang publiko na magtungo sa pinakamalapit na tanggapan sa kanilang lugar.

Simula kasi ngayong araw, June 1, ay ipatutupad na nito ang pagbibigay ng serbisyo batay sa lungsod o lugar kung saan residente ang humihingi ng tulong.

Ang mga residente ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela ay pagpilingkuran sa CAMANAVA Satellite Office (2nd Flr.,Victory Central Mall, Rizal Avenue, Monumento, Caloocan City)

Para naman sa mga taga-Pasay, Parañaque, Las Piñas at Muntinlupa, maaaring lumapit sa

Baclaran Satellite Office (2nd floor, Victory Food Market (Beside Baclaran Church) Parañaque City)

Ipinunto ng DSWD na layon nitong mas ilapit sa taumbayan ang mga serbisyo at programa nang hindi na sila bumiyahe ng malayo para makakuha ng tulong.

Sa tulong nito, higit na mapaunlakan ang mas maraming mga nangangailangang residente ng Metro Manila at mga kalapit na rehiyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us