DSWD, maglulunsad ng programa para alalayan ang mga palaboy sa lansangan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Paiigtingin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-alalay nito sa mga pamilya at mga batang palaboy sa lansangan.

Ito ay sa ilalim ng Oplan Pag-Abot na ilulunsad na sa darating na Biyernes, June 30, katuwang ang Commission on Human Rights sa DSWD Central Office sa Batasan, Quezon City.

Ayon sa DSWD, layon ng proyekto na tulungan ang mga tinatawag na ‘children, at individual in street situations’ sa pamamagitan ng mga reach-out operation at iba pang intervention.

Sa paglulunsad ng programa, nakatakdang ipresenta ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, at Oplan Pag-Abot team head Usec. Eduardo Punay ang step-by-step reach-out process sa mga pamilya at indibidwal na nasa lansangan.

Kasama rito ang initial interview o counseling kung saan kukunan ng biometrics, at bibigyan ng identification cards ang bawat indibidwal, at isasalang sa assessment.

Ibabatay sa assessment ang tulong na ilalaan para sa mga kliyente kabilang ang medical assistance, food support, transportation at relocation aid, livelihood opportunities, transitory family support packages, emergency financial assistance, at transitory shelter assistance.

Target simulan ang reach-out operations sa Metro Manila kung saan magkakaroon ng 24-hour shifting basis ang bawat team na binubuo ng social workers.

“The Pag-Abot project aims to provide a holistic approach in the reintegration of individuals and families in street situations to the community that introduces digital and developmental features. Through this, the DSWD hopes to effectively and sustainably address the needs of the sector to prevent them from returning to the streets,” Undersecretary Punay. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us