DSWD, planong magbigay ng cash assistance sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaplano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maglaan na rin ng cash assistance sa mga pamilyang apektado ng nagpapatuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon.

Sa isang panayam, sinabi ni DSWD Sec. Rex T. Gatchalian na maaaring magamit ng mga pamilya ang cash aid para makabili ng iba pa nilang pangangailangan na hindi kasama sa family food packs ng DSWD gaya ng gatas para sa mga bata at mga senior citizen.

“We can empower them with the right to choose. You give them cash, they can go to their grocers to buy their family needs,” — DSWD Chief.

Punto ng kalihim, ang naturang inisyatibo ay bahagi na rin ng “anticipatory action” approach ng kagawaran sa disaster response.

Huhugutin naman ang cash aid sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng DSWD.

Kaugnay nito, muling siniguro ni Sec. Gatchalian sa mga lokal na pamahalaan sa Albay na tuloy-tuloy ang monitoring nito at assessment para sa iba pang intervention sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

As of June 12, ay aabot na sa 9,338 pamilya o katumbas ng 36,814 inidbiwal mula sa 26 barangay sa Albay ang direktang apektado ng aktibidad sa Mayon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us