DTI Sec. Pascual, itinutulak ang mas matatag na trade at investment ties sa pagitan ng PH at UK

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong si DTI Secretary Alfredo Pascual sa British companies upang patatagin pa ang trade at investment ties sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom.

Sa roundtable meeting kasama ang UK-ASEAN Business Council, pinagtibay ni Secretary Pascual ang patuloy na pagbangon ng bansa mula sa pandemyang dulot ng COVID-19 at pag-expand ng ekonomiya.

Kinilala rin ng kalihim ang kahalagahan ng pagtatatag ng mga imprastraktura na magpapadali sa mga economic activities at magbibigay-daan sa mga British companies na makapag-operate ng mahusay sa Pilipinas.

Gayundin, ibinahagi rin ni Pascual na nagpapatupad na ang bansa ng ilang sectoral roadmaps upang bumuo ng local supply chain at magtatag ng industrial policies na susuporta sa paglago ng human resource sa bansa.

Ang nasabing roundtable meeting ni Pascual ay bahagi ng Investment Roadshow ng DTI sa Europa. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us