Evacuation centers, inihanda na ng DSWD kasunod ng pagtataas sa Alert Level 3 sa Bulkang Mayon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad nang kumilos ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para paghandaan ang evacuation plan sa gitna ng banta ng Bulkang Mayon na nakataas na sa Alert level 3.

Inatasan na ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang Field Office sa Bicol Region na magdeploy ng 1,500 malalaking tents para sa mga evacuee na ililikas mula sa 6-kilometer danger zone.

Sa tantya ng DSWD, inaasahang nasa 15,000 na pamilyang nakatira sa 6 kilometer-permanent danger zone na mangangailangan ng pansamantalang matutuluyan.

Dahil dito, inihanda na rin ng ahensya ang evacuation centers at mga kakailanganin ng mga ito kabilang ang family food packs na una nang nakapreposisyon sa iba’t ibang warehouse sa Albay.

Kabilang sa tinukoy na evacuation center ang Mormon church sa Polangui, Albay, na nauna na ring ginamit noong nagalburoto ang bulkan noong 2018.

“We have tapped all line agencies for this Mayon Operations. We have also tapped the Province of Camarines Sur for inter-provincial operability because they have the resources needed such as water lorries, mobile clinics, and mobile kitchen. They are ready to respond,” ani Director Laurio.

Kaugnay nito, iniulat din ng DSWD Bicol na reactivated na ang Team One Bicol sa pakikipagtulungan sa Office of Civil Defense pati na ang Quick Response Team (QRT) ng kagawaran.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us