Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagtaas sa average farmgate price ng palay para sa buwan ng Abril.
Batay sa datos nito, tumaas sa ₱18.79 ang average farmgate price ng palay sa nationa level, mas mataas ng 1.2% kung ikukumpara sa ₱18.57 kada kilo na palay farmgate price noong Marso.
Mas mataas rin ito ng 9.1% kumpara sa naitalang farmgate price noong kaparehong buwan noong 2022.
Sa datos naman sa mga rehiyon, ang farmgate price sa Region X o Northern Mindanao ang pinakamataas na pumalo sa ₱20.77 ang kada kilo.
Bukod sa Northern Mindanao, tumaas din ang presyo ng palay sa 12 pang rehiyon sa bansa.
Habang nanatili namang pinakamababa ang presyo ng palay sa Eastern Visayas Region na umabot lamang sa ₱16.09 per kilo.
Ayon sa PSA, patuloy na nakapagtatala ng positibong year-on-year growth rates ang lahat ng rehiyon sa bansa sa buwan ng Abril.
“The highest year-on-year increase was registered in Region X (Northern Mindanao) at 14.6 percent, while the lowest annual increment was noted in Cordillera Administrative Region (CAR) at 3.7 percent,” ulat ng PSA. | ulat ni Merry Ann Bastasa