Naniniwala si Finance Sec. Benjamin Diokno na hindi na dapat pang mamalagi sa bansa ang Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Diokno na walang malaking epekto sa kita ng pamahalaan sakaling tuluyang matuldukan ang POGO sa bansa.
Paliwanag ng opisyal, mas malaki ang “reputational risk” sa bansa ng POGO kumpara sa kinikita ng Pilipinas dito.
Kasabay nito ay inamin din ng kalihim na talagang mayroong “social cost” mula sa operasyon ng POGOs, tulad ng mga krimen at iba pa.
Giit ni Diokno, noon pa man ay naninindigan
siya na dapat nang paalisin ang mga POGO, at marami pa namang uubrang pagkukunan ng revenues o kita ang gobyerno. | ulat ni Lorenz Tanjoco