Foreign Affairs Sec. Manalo, nag-courtesy call sa Bise Presidente ng India

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-courtesy call si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa Pangalawang Pangulo ng India na si Jagdeep Dhankar kahapon bilang bahagi ng kanyang mga opisyal na aktibidad sa New Delhi, India.

Sa nasabing courtesy call, ibinida ni Secretary Manalo ang mga nakamit ng milestone ng dalawang bansa.  Binigyang diin ng kalihim ang pagpapabuti pa ng partnership sa pagitan ng Pilipinas at India.

Binigyang-diin naman ni Vice President Dhankar na marami pang larangan ang pwedeng palakasin ng Pilipinas at India.

Kabilang dito ang pharmaceuticals, digital economy, agriculture, defense, blue economy, at marami pang iba.

Binigyang-diin din ng Pangalawang Pangulo ang mga pagkakatulad at ibinahaging pagpapahalaga sa pagitan ng Pilipinas at India, na naglalapit sa kanila bilang mga demokratikong bansa.

Samantala, nakipagkita rin ang kalihim sa mga pinuno ng Filipino community sa nasabing bansa.  Batay sa tala ng DFA, nasa 1,500 Pilipino ang kasalukuyang naninirahan o nagtatrabaho sa India na karamihan ay nakapangasawa ng mga Indian national, at mangilan-ngilan ay mga expatriate o di kaya ay miyembro ng religious community.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us