Muling hinikayat ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga miyembro ng media na may banta sa kanilang buhay na makipag-ugnayan sa PNP para sa karampatang aksyon.
Ang panawagan ng PNP Chief ay kasunod ng pamamaril at pagpatay sa radio commentator na si Cresenciano “Cris” Aldovino Bunduquin sa Calapan City, Oriental Mindoro kahapon.
Ayon sa PNP Chief, may atas na sya sa mga local commander na makipagtulungan sa mga media sakaling may isyu sila sa kanilang seguridad.
Sinabi ni Gen. Acorda na magiging bukas ang linya ng komunikasyon ng PNP sa media para malaman ang kanilang mga pangangailangan.
Sa kabila ng panibagong insidente ng pagpaslang sa miyembro ng media ay naniniwala naman si Acorda na ligtas pa rin sa pangkalatahan ang mga mamamahayag sa bansa. | ulat ni Leo Sarne