Muling pinagtibay ng Regional Gender and Development Committee – 1 (RGADC-1) ang kanilang mga adhikain sa isinagawang pulong sa Capitol Resort Hotel, Lingayen, Pangasinan kung saan binigyang-diin ang pagkakapantay-pantay ng kasarian sa pagsusulong ng kapayapaan.
Ito ay matapos aprubahan ng komite ang pagiging miyembro ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) sa RGADC-1.
Pinagtuunan din ng pansin ang mga nakahandang programa kaugnay sa Gender and Development sa Rehiyon Uno upang itaguyod ang ‘gender mainstreaming, women empowerment, at gender equality.’
Ayon naman kay Atty. Baby Ruth Torre, Provincial Legal Officer, na siyang nagsilbing kinatawan ni Gov. Ramon “Mon-Mon” Guico III, suportado ng gobernador ang anumang programa ng RGADC-1.
Ang 2nd Regular Meeting ng RGADC-1 ay dinaluhan din nina Commission on Human Rights Regional Director I Atty. Harold D. Kub-aron at dating San Fernando City Mayor Mary Jane C. Ortega.
Naisakatuparan ang pagpupulong sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na pinamumunuan ni PSWDO Head Annabelle Roque.| via Marie Mildred Estrada-Coquia| RP1 Tayug