Walang patid pa rin sa paghahatid ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong pamilya buhat ng nag-alburoto ang Bulkang Mayon.
Batay sa ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of June 28 ay umakyat na sa higit ₱73-milyon ang halaga ng relief assistance na naipamahagi sa mga apektadong residente.
Kabilang rito ang nasa 57,000 family food packs na katumbas ng ₱27-milyon at non food items na nagkakahalaga na ng ₱19.9-million.
Bukod dito, umabot na rin sa halos ₱20-milyon ang cash assistance na naipamahagi sa higit 4,000 evacuees mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Sa kasalukuyan, nananatili pa rin sa higit 5,000 pamilya ang nanunuluyan sa mga evacuation center sa Albay dahil sa banta ng Bulkang Mayon. | ulat ni Merry Ann Bastasa