Inilagay sa half-mast ang mga watawat ng Pilipinas sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaan ngayong araw sa Lungsod ng Muntinlupa
Ito’y bilang pakikiramay ay pagbibigay pugay ng mga Muntinlupeño sa ama ng kanilang Alkalde Ruffy Biazon na si dating Senador Rodolfo “Pong” Biazon.
Inilabas ni Muntinlupa City Administrator Engr. Allan Cachuela ang nasabing kautusan na sinabayan ng pagpasa sa isang resolusyon ng Sangguniang Panglungsod na nagpapaabot ng pakikisimpatiya sa naulilang pamilya.
Produkto ng Philippine Military Academy Class of 1961, pinamunuan nito ang iba’t ibang yunit sa militar tulad ng pagiging Superintendent ng PMA o Philippine Military Academy at naging Commandant ng Philippine Marines Corps.
Hanggang sa itinanghal si Biazon bilang kauna-unahang “Marines” na naluklok sa pagiging AFP Chief of Staff noong 1991 hanggang sa naging Senador at kinatawan ng Muntinlipa mula 1992 hanggang 2016
Pumanaw si Biazon kahapon, Araw ng Kalayaan at kasalukuyang nakaburol ang labi nito sa Heritage Memorial Park sa Taguig City hanggang Hunyo a-18 bago ilipat sa Philippine Marine Corps Headquarters sa Fort Bonifacio sa nabanggit na lungsod. | ulat ni Jaymark Dagala