May kabuuang 1,737 motorista ang nahuli ng Land Transportation Office-National Capital Region sa Metro Manila dahil sa iba’t ibang paglabag sa batas trapiko.
Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III, karaniwang kasalanan na nagawa ng mga motorista ay ang hindi pagsunod sa Land Transportation and Traffic Code; ang hindi pagsusuot ng seat belt device, motorcycle helmet at ang Children Safety on Motorcycle Act at iba pa.
Lahat ng mga nahuli ay tinuruan din ng LTO tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa mga regulasyon sa trapiko.
Kasama ng LTO sa operasyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH), at Philippine National Police (PNP). | ulat ni Rey Ferrer