Nagpaalala ang Quezon City Government na limitado pa lamang ang bibigyan ng 3rd booster dose laban sa COVID-19.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang mga healthcare worker na nasa tertiary at secondary hospitals ang prayoridad na mabigyan ng Bivalent vaccine.
Ang anunsiyo na ito ay base na rin sa pahayag ng Department of Health na limitado lamang ang suplay ng naturang bakuna.
Bubuksan ang bakunahan ng bivalent vaccine sa iba pang priority groups oras na magkaroon ng sapat na supply.
Samantala, hinihikayat naman ang mga hindi pa nakakakuha ng first at second booster na magpabakuna na. | ulat ni Rey Ferrer