High-powered sniper rifle ng Dawlah Islamiyah, narekober ng mga tropa ng 103rd Haribon Brigade sa Lanao del Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Narekober ng mga tropa ng 103rd Infantry “Haribon” Brigade ng Philippine Army ang isang high-powered sniper rifle ng Dawlah Islamiya-Maute Group (DI-MG) sa isang liblib na lugar sa lalawigan ng Lanao del Sur.

Ayon kay Major Jairus Mark Mira, hepe ng Division Public Affairs Office ng 1st Infantry “Tabak” Division (1ID), narekober ng mga tropa ang caliber .50 sniper rifle nang hibabol ng mga ito ang grupo ng DI-MG militants sa Barangay Bulawan sa bayan ng Marogong, Lanao del Sur.

Narekober din ng mga tropa ang dalawang bandolier at apat na magazine na naiwan ng grupo ni DI-MG sub-leader Ustadz Nasser Daud.

Sinabi naman ni Major General Antonio Nafarrete, commanding general ng 1st ID, patuloy pa rin ang kanilang ginagawang clearing operation laban sa natitirang mga miyembro ng iba’t ibang teroristang grupo, at hinahadlangan din nila ang akto ng terorismo sa nasabing lalawigan.

Pinapaigting rin aniya ng Haribon Brigade ang combat at non-combat operations laban sa mga armadong grupo na naghahasik ng kaguluhan sa mga kanayunan ng lalawigan.

Nanawagan din si Gen. Nafarrete sa mga mamamayan na suportahan ang kanilang kampanya na lipulin ang lokal na mga terorista upang mangingibabaw ang kapayapaan sa loob ng kanilang area of operation.| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us