Higit 23k pasahero, nagbenepisyo sa libreng sakay ng MRT-3 ngayong Araw ng Kalayaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mula kaninang alas-siyete hanggang alas-nuebe ng umaga, umabot na sa 23,186 ang mga pasaherong nagbenepisyo ng “libreng sakay” sa Metro Rail Transit line 3 (MRT-3).

Ang libreng sakay ay handog ng pamunuan ng MRT-3 sa mga pasahero bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino, ang libreng sakay ay taunang aktibidad ng MRT-3, kasama ang Department of Transportation, upang gunitain ang Araw ng Kalayaan.

Muling magkakaroon ng libreng sakay mamayang alas-singko ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi sa buong linya. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us