28 kumpanya ang nakilahok sa Independence Day Job Fair na ginaganap sa SM Telabastagan, sa San Fernando, Pampanga.
Maliban pa ito sa allied services gaya ng Philippine Statistics Authority, BIR, SSS, Pag-IBIG at TESDA.
Nasa 4,350 job vacancies naman ang maaari aplayan ng mga taga-Pampanga na naghahanap ng trabaho.
Ilan sa mga trabahong ito ay bilang production workers, customer service representatives, quality assurance inspector, sales associate, merchandise / store clerk, sewer, cashier, warehouse personnel, kitchen staff, at service crew.
Hanggang pasado alas-onse ngayong umaga, lima naman mula sa mga aplikante ang “hired on the spot”. | ulat ni Kathleen Jean Forbes