Higit 7K National ID na nasunog sa Manila Central Post Office, target mapalitan sa Hunyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Target ng pamaahalaan na sa buwan ng Hunyo, mapapalitan na ang 7, 500 na National ID ng mga taga-Maynila, na kasamang nasunog sa tanggapan ng Manila Central Post Office, ika-21 ng Mayo.

“We target that sometime in June, mari-release na namin iyan sa PhilPost para ma-deliver sa mga registrants.”

—Solesta.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Philippines Statistics Authority (PSA) OIC- Deputy National Statistician Fred Solesta nilinaw nito na tanging ID lamang ng mga taga-Maynila ang naapektuhan sa sunog, at hindi ang National ID ng iba pang lungsog sa NCR.

Ayon kay Solesta, matapos ang naganap na sunog sa Post Office noong Mayo, agad na nakipag-ugnayan ang PSA sa PhilPost para sa impormasyon ng mga apektadong card.

Naipadala na aniya ng PhilPost ang impormasyong ito, kalakip ang data, kung ano ang mga card na naapektuhan, para sa agarang pagapapalit sa mga ito.

“And PhilPost was able to give the number around mga 7,500 iyong affected. They have already forwarded the information including data kung ano iyong mga cards na affected, and tini-trigger na namin ngayon iyong reprinting sa BSP.” —Solesta. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us