Higit P36-M halaga ng cash incentive, naipamahagi ng Makati LGU sa senior citizens ng lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa P36.4 milyong halaga ng cash incentives ang naipamahagi na ng Lungsod ng Makati sa higit 21,000 Blu Card holders nito, ngayong araw.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, mabilis na natanggap ng unang batch ng benepisyaryo ang kanilang cash incentives dahil nakapag-update sila ng kanilang GCash account.

Sa ilalim ng Blu Card Program, nakakatanggap ng cash incentives ang registered senior citizens dalawang beses sa isang taon, tuwing June at December. Para sa mid-year, ang mga edad 60 hanggang 69 ay tatanggap ng P1,500; 70 hanggang 79 – P2,000; 80 hanggang 89 – P2,500; at 90 hanggang 99 – P5,000.

Samantala, ang mga edad 101 at pataas ay pwedeng tumanggap ng P5,000 na mid-year incentive kung sila ay limang taon nang Blu Card holder. Kung hindi, tatanggap lamang sila ng P2,500.

Mula noong nakaraang taon, direkta nang ipinapadala ng lungsod sa GCash accounts ng mga benepisyaryo ang cash incentives para matiyak ang ligtas, maginhawa at mabilis na delivery.

Sa ngayon, aabot sa higit 82,000 ang active Blu Card holders sa lungsod. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us