Huling kaso ni dating Sen. Leila de Lima sa Muntinlupa RTC, naisailalim na sa re-raffle

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naisailalim na sa re-raffle ng Muntinlupa City Regional Trial Court ang huling kaso ni dating Sen. Leila de Lima.

Ito ang kinumpirma ng Legal Counsel ni de Lima na si Atty. Filibon Tacardon.

Sinabi ng abogado ni de Lima, ang Branch 204 na ang siyang hahawak sa kaso ng dating Senadora mula sa dating Branch 256.

Magugunitang nag-inhibit ang dating Hukom na humahawak sa kaso matapos maghain ng ‘motion for inhibition’ ang mga kapwa akusado ni de Lima sa kaso.

Nakatakda namang magsimula ang pagdinig sa nalalabing kaso ni de Lima sa Hulyo 7.

Una nang inabswelto si de Lima sa isa pa niyang kaso na may kinalaman sa iligal na droga noong Mayo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us