Hustisya sa pagkamatay ng isang pulis at pagkasugat ng 14 sa Maimbung, Sulu, tiniyak ng PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na hindi titigil ang PNP sa pagtugis sa mga responsable sa pagkamatay ng isang pulis at pagkasugat ng 13 pang pulis at isang sundalo sa Sulu.

Ito’y sa nangyaring bakbakan nitong Sabado sa pagitan ng mga pwersa ng gobyerno at dating Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan sa Brgy. Bualo Lipid, Maimbung, Sulu.

Ipinaabot naman ni Gen. Acorda ang kanyang pakikiramay sa mga mahal sa buhay ng nasawing pulis na si Patrolman Regim Gacod ng 7th Special Action Battalion (7SAB) ng Special Action force (SAF), kasabay ng pagtiyak ng tulong medikal at pinansyal sa lahat ng sugatang pulis.

Nagsimula ang labanan bandang alas-7 ng umaga nitong Sabado nang magtangka ang mga pulis sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Sulu Provincial Field Unit (PFU), kasama ang Special Action Force (SAF) at mga sundalo ng 41st Infantry Battalion ng Philippine Army, na magsibli ng warrant laban kay Mudjasan.

Nang matapos ang bakbakan bandang alas-5 ng hapon, isa ang nasawi sa grupo ng Mudjasan, habang nabigo ang mga tropa ng gobyerno na arestuhin ang grupo ng Mudjasan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us