Iba pang paaralan na nagsisilbing evacuation center sa Albay, pinalgyan na ng water supply system

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na kumikilos ang Ako Bicol partylist para mapalagyan ng suplay ng tubig ang iba’t ibang paaralan na ginagamit ngayong evacuation center sa Albay.

Ayon kay Ako Bicol partylist Rep. Elizaldy Co, sinimulan na nila ang pagtatayo ng Level 1 Water Supply system sa Guinobatan Community College na kasalukuyang pansamantalang tahanan ng nasa 2,000 evacuees.

Bagamat may sarili aniyang water supply system ang eskwelahan at nagrarasyon ng tubig ang lokal na pamahalaan, ay hindi naman ito sapat dahil na rin sa dami ng evacuees.

May pagkakataon din aniya na hindi ito mapaandar kapag walang kuryente sa lugar dahil kuryente ang nagpapatakbo ng water pump nito.

Ang katabing paaralan naman aniya na Mauraro High School ay isinailalim na sa Geo-resistivity Survey ang lugar na paglalagyan din ng Level 1 Water Supply System.

Ito ay para alamin kung malaki ba ang water reservoir sa ilalim ng lupa.

Nasa 900 na evacuees naman ang nanunuluyan sa naturang paaralan.

Maliban dito, target din ani Co na malagyan ng water supply system ang Anislag Elementary School, Taladong Elementary School at ang Camalig Bungkaras Evacuation Center. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us