Naglatag ng mga bagong aktibidad ang lokal na pamahalaan ng San Juan kapalit ng nakagawiang Wattah Wattah Festival sa lungsod ngayong linggo.
Matatandaang kinansela ang tradisyunal na basaan sa nasabing festival dahil sa nagbabadyang El Niño sa bansa.
Kabilang sa mga aktibidad ang bloodletting activity, libreng medical consultation at feeding program.
Pinangunahan din ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang libreng renewal ng wedding vows na may kasamang P50,000 sa mga mag-asawang 50 taon nang kasal.
Kaugnay nito ay iniimbitahan ng lokal na pamahalaan ang mga residente na sumali at suportahan ang mga ikakasang aktibidad. | ulat ni Diane Lear