Ilang kalsada sa Makati City, isasara kasunod ng isasagawang National Simultaneous Earthquake Drill sa Hunyo 8

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpalabas ng traffic re-routing ang Pamahalaang Lungsod ng Makati City kasunod ng pagsasara ng JP Rizal Avenue sa harap ng Makati City Hall.

Kasunod ito ng isasagawang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Hunyo 10, na sabayang gagawin sa iba’t ibang panig ng bansa.

Dahil dito, pinapayuhan ng Makati Local Government ang mga motorista na dumaan sa inilatag nilang alternatibong daan.

Para sa mga sasakyang patungo sa Guadalupe, maaaring dumaan sa Kalayaan Avenue kaliwa sa P. Burgos St., kanan sa JP Rizal St. kaliwa sa Villena St., at kanan sa JP Rizal patungo sa inyong destinasyon.

Para naman sa mga patungong Maynila, dumaan sa JD Villena St. kanan sa Gen. Luna St. kaliwa sa JP Rizal St. patungo sa inyong destinasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us