Ilang kalsada sa Pasig City, isasara para sa isasagawang civic parade sa selebrasyon ng ika-450th anibersaryo ng lungsod sa July 1

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang pagbibigay-daan sa pagdiriwang sa ika-450 anibersaryo ng Lungsod ng Pasig, isasara ang ilang kalsada sa lungsod dahil sa civic parade sa darating na July 1.

Ayon sa Traffic Management ng lungsod ang mga kalsadang isasara ay ang mga sumusunod:

• Caruncho Ave. (in front of Pasig City Hall)
• F. Manalo St. (in front of Pasig City Hall)
• Dr. Sixto Antonio Ave. (Brgy. Kapasigan)
• Rotonda Junction
• A. Mabini St. (Brgy. Kapasigan)
• Plaza Rizal Intersection
• C. Raymundo Ave. (Both directions – from Rotonda to Stella Maris St.)
• Mercedes Ave. (Both directions – from Market Ave. to C. Raymundo Ave.)

Ang mga nabangit na kalsada ay isasara mula alas-6 ng umaga ng July 1 hangang matapos ang naturang civic parade.

Abiso naman ng Pasig City LGU sa publiko na mag-isip na ng alternatibong ruta upang makaiwas sa mabigat na daloy ng trapiko sa mga nabanggit na lugar. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us