Ilang residente ng Laurel, Batangas, nakakaranas ng problema sa kalusugan dulot ng volcanic smog mula sa bulkang Taal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakakaranas ng problema sa kalusugan ang ilang residente ng Laurel, Batangas dulot ng volcanic smog mula sa bulkang Taal.

Ayon kay Venus De Villa, Officer in Charge ng Laurel Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), may mga nagpapa-check up na sa mga pagamutan kung saan karamihan ay may dati ng medical history ng asthma.

Patuloy pa rin aniya na kumakalat ang volcanic smog sa ilang bahagi ng naturang bayan.

Tinutugunan naman ng rural health office ng Laurel ang mga pasyente.

Nauna na rin nakapagbigay ng N95 mask sa mga residente, lalo na sa mga nakatira sa coastal areas malapit sa bulkang Taal bilang proteksyon mula sa epekto ng volcanic smog.

Kinansela naman ngayong araw ang pasok sa lahat ng antas sa mga paaralan sa Laurel, upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at guro.

Paalala ni Villa sa publiko na magsuot ng face mask, laging uminom ng tubig, at hangga’t maaari ay manatili muna sa kanilang tahanan. | ulat ni Bernard Jaudian

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us