Inaasahang matatapos ang proseso ng “integration” sa PNP ng mga Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) bago matapos ang taon.
Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo kasabay ng pagsabi na ang mga MILF at MNLF members na magiging miyembro ng PNP ay i-a-assign sa Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR).
Paliwanag ni Fajardo, bahagi ito ng pag-“mainstream” sa mga dating mandirigma ng MILF at MNLF upang makabalik sila normal na pamumuhay, na itinakda ng Bangsamoro Organic Law.
Sinabi ni Fajardo na dahil magiging bahagi na sila ng gobyerno, ang mga dating mandirigma ng MILF at MNLF ay inaasahan ng PNP na magiging bahagi ng pagpapatupad ng pangmatagalang kapayapaan sa BAR.
Ayon kay Fajardo, 700 MILF at 300 MNLF members ang inendorso ng Bangsamoro government mula sa 7,000 na nakapasa sa Special Qualifying exam para makapasok sa PNP.
Sasalain pa aniya ito para makapili ng 280 MILF members at 120 MNLF members para punuan ang 400 quota ng PRO-BAR. | ulat ni Leo Sarne