Isang kainan sa Upper Bicutan, Taguig, ipinasara dahil sa food poisoning 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinasara muna ng City Health Office ng Taguig ang isang food stall sa Barangay Upper Bicutan matapos magkaroon ng insidente ng food poisoning kagabi.

Agad na inaksyunan sa pangunguna ng Incident Management Team at City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) katuwang ang mga opisyal ng Upper Bicutan ang nasabing food poisoning insident. 

Mahigit 40 residente ang nakaranas ng sintomas ng food poisoning kung saan 13 sa mga ito ang dinala sa Taguig-Pateros District Hospital; pito ang nasa iba pang ospital; at 22 naman ang napauwi na matapos ma-check-up at mabigyan ng gamot sa treatment area sa itinayong Incident Command Post ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office ng Upper Bicutan.

Kumuha na rin ng food sample ang CEDSU para suriin, samantalang susuriin din ng Sanitation Office ang water source ng nasabing food stall.

Mananatili itong nakasara hanggang matapos ang imbestigasyon at magkaroon ng kalinawan sa totoong sanhi ng insidente.

Para sa mga residente na nakakaramdam ng sintomas ng food poisoning na maaaring mula sa nasabing food stall ay agad na magtungo sa Incident Command Post sa A. Bonifacio Avenue, Phase 5, Brgy. Upper Bicutan upang mabigyan ng agarang lunas.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

📸: Taguig PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us