Isang taong pamamahala ni Pangulong Marcos Jr., maganda – Sen. Bato Dela Rosa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, ‘so far, so good’ at maganda naman ang itinatakbo ng pamamahala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong mag-iisang taon na ang kanyang administrasyon.

Hinihiling na lang ni Dela Rosa, na magtrabaho nang husto ang mga miyembro ng gabinete o mga alter ego ng presidente dahil sasalamin rin ito sa panunungkulan ng punong ehekutibo.

Sa Biyernes, June 30, mamarkahan ang isang taon mula nang manumpa si Pangulong Marcos Jr. bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.

Kabilang naman sa mga nais na marinig ng senador sa magiging ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr. ay ang pagdisiplina sa mga tiwaling pulis, para hindi na rin mapamarisan ng iba.

Pagdating naman sa 19th Congress, inilarawan ng mambabatas ang performance ng unang taon ng kasalukuyang kongreso bilang ‘outstanding’ o bukod-tangi.

Aniya, napaka episyente at walang sinayang na oras ang kongreso.

Binigyang diin rin ni Dela Rosa, na maraming mahahalagang panukalang batas ang kanilang naipasa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us