Nakatakdang mareresolba na sa loob ng 30 hanggang 45-days ang kakulangan ng mga driver’s license card ng Land Transportation Office (LTO).
Ito ang pahayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa eksklusibong panayam ng Radyo Pilipinas.
Ayon kay Bautista, tapos na ang procurement at naiaward na sa napiling supplier ang proyekto para sa paggawa ng license card.
Samantala, umaasa naman ang kalihim na mailulunsad na sa susunod na mga linggo ang “digital license card” kung saan magkakaroon ng sariling account ang isang license holder sa LTO portal.
Ayon kay Bautista, ito ay maaaring i-download sa smart phones at maaaring gamitin bilang alternatibong lisensya.
Una nang nagpataupad ang DOTr ng pagpapalawig ng bisa ng mga license card na mag-eexpire ng April 24 hanggang October 32 sa gitna ng shortage.
Habang nakalaan naman sa mga overseas Filipino workers (OFWs) ang natitirang stock ng driver’s license cards. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes