Kalagayan ng mga hayop na inilikas dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon, pinasisiguro ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kalagayan ng mga hayop o livestock na inilikas dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon.

Ayon sa Pangulo, kailangang maging maingat at masiguro na wala ni isa sa mga hayop ang mayroong karamdaman, partikular ang Avian Flu at African Swine Fever (ASF), dahil magiging mabilis para sa virus ang kumalat.

“Kasi we have to be careful baka mayroon isa diyan na may sakit, eh baka magkalat doon sa mga… Kasi marami silang nagsasama doon sa area na ‘yun. Bantayan natin ‘yun. At baka may mahanap nga tayo, we can do something about it kaagad.” — Pangulong Marcos Jr.

Kaugnay nito, siniguro naman ni Agriculture Director Rodel Tornilla, na mayroong mga veterinarian ang regular na nag-iikot, at nagmo-monitor sa kalagayan ng mga inilikas na hayop.

“Actually, ‘yung mga veterinarians natin, regularly nag-iikot sila and mino-monitor ‘yung kalagayan ng ating mga animals.” — Dir. Tornilla. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us