Kalayaan sa kawalan ng trabaho, tampok sa job fair sa 5th district, QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng kalayaan Job Fair ngayong Independence Day sa SM Fairview at SM Novaliches.

Aabot sa mahigit 20 iba’t ibang kumpanya ang tumugon sa panawagan ng magkapatid na sina Quezon City 5th District Cong. PM Vargas at Coun. Alfred Vargas para bigyan ng hanapbuhay ang mga kababayan na unemployed.

Dinagsa ang Kalayaan Job Fair sa dalawang malaking mall kung saan mayroong agad natanggap.

Sabi ni Kon. Alfred Vargas, target nila na mabigyan ng trabaho ang mga bagong graduates, may mga kapansanan at kahit senior citizens.

Ani naman ni Cong. PM Vargas, ang paglaya sa kawalan ng trabaho ang isa sa kanilang layunin para maabot ang mithiin na makatulong sila sa kanilang mga pamilya.

Katuwang ng magkapatid na Vargas ang Department of Labor and Employment at Public Employment Service Office ng Quezon City.

Tiniyak ng DOLE at QC Peso, masusundan pa ang mga Jobs Fair lalo pa at maraming negosyo na ang nagbubukas dahil sumisigla na ang ekonomiya ng lungsod. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us