Kasalukuyang lebel ng tubig sa Angat Dam, sapat pa para tugunan ang household consumption sa Metro Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sapat pa ang water supply o ang lebel ng tubig sa Angat Dam upang punan ang pangangailangan ng mga household sa Metro Manila.

Ito ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David Jr. ay kahit pa mainit ang nararanasang panahon sa bansa.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na nasa 189.64 meters ang kasalukuyang lebel ng tubig sa dam.

Ang kailangan aniyang paghandaan sa ngayon ay ang mga hakbang na titiyak na mananatiling sapat ang water supply na ito, lalo na sa panahong mararamdaman na ang pinaka-impact ng El Niño phenomenon sa bansa.

Inaasahan kasing magkakaroon ng kabawasan sa mga mararanasang pag-ulan dahil sa tag-tuyot, na siya namang makakaapekto sa water supply. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us