Kumakalat na memo para sa mobilisasyon ng Pulisya hinggil sa napipintong World War 3, “fake news” — PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariin ngang itinanggi ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang kumakalat na isang memorandum ng Pulisya sa social media.

Laman ng nasabing memoranda ang kautusan umano mula sa The Chief of Directorial Staff (TCDS) na nagmomobilisa sa mga tauhan nito bilang paghahanda sa internal at external defense.

Nakasaad din dito ang pag-enlist sa mga Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF), at Cotabato Revolutionary Command gayundin ang iba pang armadong grupo bilang mga reservist.

Gayundin ang pag-oobliga sa mga kadete ng ROTC na sumalang sa military at police training para sa pagbuo ng national guards, na siyang sasabak umano sa pagsiklab ng ikatlong Digmaang Pandaigdig.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Redrico Maranan, walang katotohanan ang mga nilalaman ng nasabing memo at hindi rin lehitimo ang kumakalat na dokumento.

Kaya naman umaapela si Maranan sa publiko na suriin munang maigi ang mga kumakalat na dokumento at huwag itong ipakakalat hangga’t hindi ito berepikado mula sa mga mapagkakatiwalaang source. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us