Lady guard na nagtapos sa University of Caloocan, inalok ng trabaho ni Mayor Along Malapitan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinorpresa ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang isa sa mga lady guard ng Caloocan City Hall nang alukin niya ito ng trabaho sa pamahalaang lungsod sa ginanap na graduation ceremony ng University of Caloocan City sa Mall of Asia Arena.

Ang Lady Guard na si Melissa Calderon, ay kasama sa mga nagsipagtapos sa kursong B.S. Public Administration habang nagsisilbi bilang guwardiya ng City Hall sa loob ng halos isang dekada.

Sa kanyang talumpati, kinilala ng alkalde ang pagsisikap ni Calderon para lamang makamit ang kanyang pangarap.

Pinasalamatan din nito si Melissa sa pagiging inspirasyon sa mga kabataan.

Kasunod nito, ay hinikayat ni Mayor Along si Melissa na dumiretso na sa HR ng City Hall para sa alok na trabaho sa kanya.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us