Nagkaloob ng libreng X-ray service ang City Health Office ng Las Piñas sa Covered Court ng Santos Village III sa Barangay Zapote bilang bahagi ng kanilang inisyatiba na labanan ang tuberculosis.
Ayon sa City Health Office, layunin nitong matukoy ang mga kaso ng pulmonary tuberculosis ng maaga upang matiyak ang napapanahong intervention at management, at upang makapagbigay ng naaangkop na paggamot sa mga mayroong tuberculosis.
Layunin din ng City Health Office ng Las Piñas na itaas ang kamalayan tungkol sa tuberculosis at isulong ang early detection sa komunidad at mabawasan ang insidente ng TB. | ulat ni Gab Humilde Villegas
📸: Las Piñas PIO